Isaias 8

Ako ang magiging kanlungan ninyo. Ngunit sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag.

Isaiah 8:14 (UKJV) And he shall be for a sanctuary; but for a stone of stumbling and for a rock of offence to both the houses of Israel, for a animal trap and for a snare to the inhabitants of Jerusalem.

12“Huwag kayong makikipag-isa sa ibang mga bansa katulad ng ginagawa ng iba. Huwag kayong matatakot sa kinakatakutan nila, at huwag kayong kakabahan.

13Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay dapat ninyong kilalaning banal. Ako ang dapat ninyong katakutan.

14Ako ang magiging kanlungan ninyo. Ngunit sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag.

15Marami sa kanila ang matitisod, madadapa at mapapahamak. Masisilo sila at mahuhuli.”

16Kayong mga tagasunod ko, ingatan ninyo ang mga aral ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.