10Anuman ang binabalak ninyo laban sa amin ay hindi magtatagumpay, dahil kasama namin ang Diyos.
11Mariin akong binalaan ng Panginoon na huwag kong gagayahin ang pamamaraan ng mga kababayan ko.
12“Huwag kayong makikipag-isa sa ibang mga bansa katulad ng ginagawa ng iba. Huwag kayong matatakot sa kinakatakutan nila, at huwag kayong kakabahan.
13Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay dapat ninyong kilalaning banal. Ako ang dapat ninyong katakutan.
14Ako ang magiging kanlungan ninyo. Ngunit sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag.