8Parang baha siyang raragasa sa Juda, at aagos dito, dadaan siyang parang tubig, aabot hanggang leeg. Parang nakabuka ang kanyang pakpak na tatakip sa buong lupain. Ngunit kasama natin ang Diyos!”
9Kayong mga bansa, kahit na magsama-sama kayo, magkakawatak-watak pa rin kayo. Makinig kayong mga nasa malayo! Kahit na maghanda pa kayo sa pakikipagdigma, matatalo pa rin kayo.
10Anuman ang binabalak ninyo laban sa amin ay hindi magtatagumpay, dahil kasama namin ang Diyos.
11Mariin akong binalaan ng Panginoon na huwag kong gagayahin ang pamamaraan ng mga kababayan ko.
12“Huwag kayong makikipag-isa sa ibang mga bansa katulad ng ginagawa ng iba. Huwag kayong matatakot sa kinakatakutan nila, at huwag kayong kakabahan.