Isaias 9

Subalit hindi mananatili ang kadiliman sa mga naghihinagpis magpakailanman. Noong unaʼy hinamak niya ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, ngunit sa darating na araw ay pararangalan niya ang dinadaanan patungo sa lawa, ang lupain sa ibayo ng Ilog Jordan, ang Galilea na lugar ng mga Hentil.

Isaiah 9:1 (UKJV) Nevertheless the dimness shall not be such as was in her vexation, when at the first he lightly afflicted the land of Zebulun and the land of Naphtali, and afterward did more grievously afflict her by the way of the sea, beyond Jordan, in Galilee of the nations.

1Subalit hindi mananatili ang kadiliman sa mga naghihinagpis magpakailanman. Noong unaʼy hinamak niya ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, ngunit sa darating na araw ay pararangalan niya ang dinadaanan patungo sa lawa, ang lupain sa ibayo ng Ilog Jordan, ang Galilea na lugar ng mga Hentil.

2Ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay nakakita ng matinding kaliwanagan. Kahit silaʼy nababalot ng matinding kadiliman, sila ay maliliwanagan.

3Panginoon, pinalawak ninyo ang kanilang bansa at silaʼy nag-uumapaw sa tuwa. Nagagalak sila sa inyong harapan katulad ng mga taong nagagalak sa panahon ng anihan, katulad ng mga mandirigmang nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.