Isaias 9

Panginoon, pinalawak ninyo ang kanilang bansa at silaʼy nag-uumapaw sa tuwa. Nagagalak sila sa inyong harapan katulad ng mga taong nagagalak sa panahon ng anihan, katulad ng mga mandirigmang nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam.

Isaiah 9:3 (UKJV) You have multiplied the nation, and not increased the joy: they joy before you according to the joy in harvest, and as men rejoice when they divide the spoil.

1Subalit hindi mananatili ang kadiliman sa mga naghihinagpis magpakailanman. Noong unaʼy hinamak niya ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, ngunit sa darating na araw ay pararangalan niya ang dinadaanan patungo sa lawa, ang lupain sa ibayo ng Ilog Jordan, ang Galilea na lugar ng mga Hentil.

2Ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay nakakita ng matinding kaliwanagan. Kahit silaʼy nababalot ng matinding kadiliman, sila ay maliliwanagan.

3Panginoon, pinalawak ninyo ang kanilang bansa at silaʼy nag-uumapaw sa tuwa. Nagagalak sila sa inyong harapan katulad ng mga taong nagagalak sa panahon ng anihan, katulad ng mga mandirigmang nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam.

4Binali ninyo ang pamatok na naging pabigat, ang tungkod sa kanilang balikat, ang pamalo ng kanilang mang-aapi katulad noong nalupig ang Midian.

5Ang mga bota ng mga sundalo at ang mga uniporme nilang tigmak ng dugo ay susunugin bilang panggatong sa apoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.