Isaias 9

Binali ninyo ang pamatok na naging pabigat, ang tungkod sa kanilang balikat, ang pamalo ng kanilang mang-aapi katulad noong nalupig ang Midian.

Isaiah 9:4 (UKJV) For you have broken the yoke of his burden, and the staff of his shoulder, the rod of his oppressor, as in the day of Midian.

2Ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay nakakita ng matinding kaliwanagan. Kahit silaʼy nababalot ng matinding kadiliman, sila ay maliliwanagan.

3Panginoon, pinalawak ninyo ang kanilang bansa at silaʼy nag-uumapaw sa tuwa. Nagagalak sila sa inyong harapan katulad ng mga taong nagagalak sa panahon ng anihan, katulad ng mga mandirigmang nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam.

4Binali ninyo ang pamatok na naging pabigat, ang tungkod sa kanilang balikat, ang pamalo ng kanilang mang-aapi katulad noong nalupig ang Midian.

5Ang mga bota ng mga sundalo at ang mga uniporme nilang tigmak ng dugo ay susunugin bilang panggatong sa apoy.

6Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Diyos na Makapangyarihan, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.