4Binali ninyo ang pamatok na naging pabigat, ang tungkod sa kanilang balikat, ang pamalo ng kanilang mang-aapi katulad noong nalupig ang Midian.
5Ang mga bota ng mga sundalo at ang mga uniporme nilang tigmak ng dugo ay susunugin bilang panggatong sa apoy.
6Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Diyos na Makapangyarihan, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.”
7Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoon ng mga Hukbo na matutupad ito.
8Sinabi ng Panginoon na parurusahan niya ang Israel, ang lahi ni Jacob.