Isaias 9

Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoon ng mga Hukbo na matutupad ito.

Isaiah 9:7 (UKJV) Of the increase of his government and peace there shall be no end, upon the throne of David, and upon his kingdom, to order it, and to establish it with judgment and with justice from henceforth even for ever. The zeal of the LORD of hosts will perform this.

5Ang mga bota ng mga sundalo at ang mga uniporme nilang tigmak ng dugo ay susunugin bilang panggatong sa apoy.

6Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Diyos na Makapangyarihan, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.”

7Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoon ng mga Hukbo na matutupad ito.

8Sinabi ng Panginoon na parurusahan niya ang Israel, ang lahi ni Jacob.

9At alam ito ng lahat ng tao sa Efraim, pati ng mga nasa Samaria na kabisera nito. Ngunit nagmamataas pa rin sila at payabang na sinasabi,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.