Isaias 9

“Mawasak man ang mga itinayo naming bahay na yari sa brik at kahoy na sikomoro, papalitan naman namin ito ng bato at kahoy na sedro.”

Isaiah 9:10 (UKJV) The bricks are fallen down, but we will build with hewn stones: the sycomores are cut down, but we will change them into cedars.

8Sinabi ng Panginoon na parurusahan niya ang Israel, ang lahi ni Jacob.

9At alam ito ng lahat ng tao sa Efraim, pati ng mga nasa Samaria na kabisera nito. Ngunit nagmamataas pa rin sila at payabang na sinasabi,

10“Mawasak man ang mga itinayo naming bahay na yari sa brik at kahoy na sikomoro, papalitan naman namin ito ng bato at kahoy na sedro.”

11Ngunit palalakasin ng Panginoon ang mga kaaway ni Rezin laban sa kanila, at uudyukan ang lahat ng mga kalaban niya.

12Sasakmalin ng mga taga-Aram ang Israel sa gawing silangan at mga Filisteo sa gawing kanluran. Ngunit hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa rin siyang magparusa sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.