10“Mawasak man ang mga itinayo naming bahay na yari sa brik at kahoy na sikomoro, papalitan naman namin ito ng bato at kahoy na sedro.”
11Ngunit palalakasin ng Panginoon ang mga kaaway ni Rezin laban sa kanila, at uudyukan ang lahat ng mga kalaban niya.
12Sasakmalin ng mga taga-Aram ang Israel sa gawing silangan at mga Filisteo sa gawing kanluran. Ngunit hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa rin siyang magparusa sa kanila.
13Ngunit ayaw pa ring magbalik-loob ng mga Israelita kahit na silaʼy naparusahan, at ayaw din nilang hanapin ang Panginoon ng mga Hukbo.
14Kaya puputulin ng Panginoon ang buntot at ulo ng Israel, ang sanga ng maharlikang palma at ang hamak na tambo sa isang araw lamang.