Isaias 9

Kaya puputulin ng Panginoon ang buntot at ulo ng Israel, ang sanga ng maharlikang palma at ang hamak na tambo sa isang araw lamang.

Isaiah 9:14 (UKJV) Therefore the LORD will cut off from Israel head and tail, branch and rush, in one day.

12Sasakmalin ng mga taga-Aram ang Israel sa gawing silangan at mga Filisteo sa gawing kanluran. Ngunit hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa rin siyang magparusa sa kanila.

13Ngunit ayaw pa ring magbalik-loob ng mga Israelita kahit na silaʼy naparusahan, at ayaw din nilang hanapin ang Panginoon ng mga Hukbo.

14Kaya puputulin ng Panginoon ang buntot at ulo ng Israel, ang sanga ng maharlikang palma at ang hamak na tambo sa isang araw lamang.

15Ang ulo ay ang mga pinuno at ang mga iginagalang na tao, at ang buntot ay ang mga sinungaling na propeta.

16Ang mga namumuno sa mga taong ito ang nagliligaw sa kanila, kaya ang mga sumusunod ay naliligaw ng daan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.