11“Balewala sa akin ang napakarami ninyong handog,” wika ng Panginoon. “Sawang-sawa na ako sa inyong mga handog na sinusunog; ang mga tupa at ang mga taba ng mga pinatabang hayop,” sabi ng Panginoon. “Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa at mga kambing.
12Sino ang nag-utos sa inyo na dalhin ang lahat ng ito kapag sumasamba kayo sa akin? Sino ang nag-utos sa inyo na tumapak sa aking templo?
13Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng inyong mga insenso. Hindi ko na matiis ang inyong mga pagtitipon kapag Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamáan.
14Sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista ang aking kaluluwaʼy labis na nasusuklam. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!
15Kapag nananalangin kayo, hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao.