13Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng inyong mga insenso. Hindi ko na matiis ang inyong mga pagtitipon kapag Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamáan.
14Sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista ang aking kaluluwaʼy labis na nasusuklam. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!
15Kapag nananalangin kayo, hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao.
16“Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan.
17Matuto kayong gumawa ng mabuti at sikaping pairalin ang katarungan. Tulungan ninyo ang mga inaapi; ipagtanggol ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”