18Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Gaano man kabigat ang inyong kasalanan, kahit itoʼy matingkad na pula, itoʼy aking papuputiin tulad ng nyebe. Kahit na itoʼy pulang-pula, itoʼy magiging puting-puti.
19Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.
20Ngunit kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.” Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.
21Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem. Matapat ito noon, ngunit ngayoʼy naging babaeng bayaran. Datiʼy mga taong matuwid ang mga nakatira rito, ngunit ngayon ay mga mamamatay-tao.
22Datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, ngunit ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, ngunit ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig.