28Ngunit lilipulin niya ang mga suwail at mga makasalanan, ang mga taong tumalikod sa Panginoon.
29Mapapahiya kayong mga taga-Jerusalem dahil sa pagsamba ninyo sa mga puno ng ensina at sa mga sagradong halamanan.
30Matutulad kayo sa isang nalalantang puno ng ensina, at sa isang halamanang hindi nadidiligan.
31Ang mga makapangyarihan sa inyo ay magiging katulad ng tuyong kahoy na madaling masunog, at ang masasama nilang gawa ay magiging parang tilamsik ng apoy na susunog sa kanila. Walang makatutupok sa apoy na iyon.