26Muli ko kayong bibigyan ng mga pinuno at mga tagapayo, katulad noong una. At ang inyong lungsod ay tatawaging lungsod ng mga matuwid at tapat na mga tao.”
27Magsisisi ang mga tao sa Jerusalem, at ito ay ililigtas ng Panginoon at magiging matuwid ang pagtrato ng mga pinuno sa lahat ng mga mamamayan.
28Ngunit lilipulin niya ang mga suwail at mga makasalanan, ang mga taong tumalikod sa Panginoon.
29Mapapahiya kayong mga taga-Jerusalem dahil sa pagsamba ninyo sa mga puno ng ensina at sa mga sagradong halamanan.
30Matutulad kayo sa isang nalalantang puno ng ensina, at sa isang halamanang hindi nadidiligan.