Isaias 10

Dahil ditoʼy, inaapi ang mga mahihirap at ipinagkakait ang katarungan sa aking mga mamamayan. Ang mga biyuda ang binibiktima nila, at ninanakawan nila ang mga ulila.

Isaiah 10:2 (UKJV) To turn aside the needy from judgment, and to take away the right from the poor of my people, that widows may be their prey, and that they may rob the fatherless!

1Nakakaawa kayong mga gumagawa ng mga kautusang di-makatarungan, at naglalabas ng mga batas na wala sa katuwiran.

2Dahil ditoʼy, inaapi ang mga mahihirap at ipinagkakait ang katarungan sa aking mga mamamayan. Ang mga biyuda ang binibiktima nila, at ninanakawan nila ang mga ulila.

3Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin ninyo kapag dumating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo?

4Walang matitira sa inyo. Mabibihag o mamamatay kayo, ngunit ang poot ng Panginoon ay hindi pa humuhupa. Nakahanda pa rin siyang magparusa sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.