Isaias 10

Walang matitira sa inyo. Mabibihag o mamamatay kayo, ngunit ang poot ng Panginoon ay hindi pa humuhupa. Nakahanda pa rin siyang magparusa sa inyo.

Isaiah 10:4 (UKJV) Without me they shall bow down under the prisoners, and they shall fall under the slain. For all this his anger is not turned away, but his hand is stretched out still.

2Dahil ditoʼy, inaapi ang mga mahihirap at ipinagkakait ang katarungan sa aking mga mamamayan. Ang mga biyuda ang binibiktima nila, at ninanakawan nila ang mga ulila.

3Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin ninyo kapag dumating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo?

4Walang matitira sa inyo. Mabibihag o mamamatay kayo, ngunit ang poot ng Panginoon ay hindi pa humuhupa. Nakahanda pa rin siyang magparusa sa inyo.

5Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo upang parusahan ang mga kinamumuhian ko.

6Uutusan ko silang salakayin ang bansang hindi makadiyos at kinapopootan ko, para wasakin ito at tapak-tapakan tulad ng putik sa lansangan, at samsamin ang lahat ng kanilang ari-arian.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.