Isaias 10

Uutusan ko silang salakayin ang bansang hindi makadiyos at kinapopootan ko, para wasakin ito at tapak-tapakan tulad ng putik sa lansangan, at samsamin ang lahat ng kanilang ari-arian.”

Isaiah 10:6 (UKJV) I will send him against an hypocritical nation, and against the people of my wrath will I give him a charge, to take the spoil, and to take the prey, and to tread them down like the mire of the streets.

4Walang matitira sa inyo. Mabibihag o mamamatay kayo, ngunit ang poot ng Panginoon ay hindi pa humuhupa. Nakahanda pa rin siyang magparusa sa inyo.

5Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo upang parusahan ang mga kinamumuhian ko.

6Uutusan ko silang salakayin ang bansang hindi makadiyos at kinapopootan ko, para wasakin ito at tapak-tapakan tulad ng putik sa lansangan, at samsamin ang lahat ng kanilang ari-arian.”

7Ngunit hindi malalaman ng hari ng Asiria na ginagamit lang siya ng Panginoon. Akala niyaʼy basta na lang siya mangwawasak ng maraming bansa.

8Buong pagmamalaki niyang sinabi, “Ang mga kumander ng aking hukbo ay parang mga hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.