Isaias 10

Ngunit hindi malalaman ng hari ng Asiria na ginagamit lang siya ng Panginoon. Akala niyaʼy basta na lang siya mangwawasak ng maraming bansa.

Isaiah 10:7 (UKJV) Nevertheless he means not so, neither does his heart think so; but it is in his heart to destroy and cut off nations not a few.

5Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo upang parusahan ang mga kinamumuhian ko.

6Uutusan ko silang salakayin ang bansang hindi makadiyos at kinapopootan ko, para wasakin ito at tapak-tapakan tulad ng putik sa lansangan, at samsamin ang lahat ng kanilang ari-arian.”

7Ngunit hindi malalaman ng hari ng Asiria na ginagamit lang siya ng Panginoon. Akala niyaʼy basta na lang siya mangwawasak ng maraming bansa.

8Buong pagmamalaki niyang sinabi, “Ang mga kumander ng aking hukbo ay parang mga hari.

9Anong pagkakaiba ng Carquemis at Calno, ng Arpad at Hamat, at ng Damasco at Samaria? Silang lahat ay pare-pareho kong winasak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.