Isaias 10

Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo upang parusahan ang mga kinamumuhian ko.

Isaiah 10:5 (UKJV) O Assyrian, the rod of mine anger, and the staff in their hand is mine indignation.

3Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin ninyo kapag dumating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo?

4Walang matitira sa inyo. Mabibihag o mamamatay kayo, ngunit ang poot ng Panginoon ay hindi pa humuhupa. Nakahanda pa rin siyang magparusa sa inyo.

5Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo upang parusahan ang mga kinamumuhian ko.

6Uutusan ko silang salakayin ang bansang hindi makadiyos at kinapopootan ko, para wasakin ito at tapak-tapakan tulad ng putik sa lansangan, at samsamin ang lahat ng kanilang ari-arian.”

7Ngunit hindi malalaman ng hari ng Asiria na ginagamit lang siya ng Panginoon. Akala niyaʼy basta na lang siya mangwawasak ng maraming bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.