Isaias 10

Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin ninyo kapag dumating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo?

Isaiah 10:3 (UKJV) And what will all of you do in the day of visitation, and in the desolation which shall come from far? to whom will all of you flee for help? and where will all of you leave your glory?

1Nakakaawa kayong mga gumagawa ng mga kautusang di-makatarungan, at naglalabas ng mga batas na wala sa katuwiran.

2Dahil ditoʼy, inaapi ang mga mahihirap at ipinagkakait ang katarungan sa aking mga mamamayan. Ang mga biyuda ang binibiktima nila, at ninanakawan nila ang mga ulila.

3Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin ninyo kapag dumating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo?

4Walang matitira sa inyo. Mabibihag o mamamatay kayo, ngunit ang poot ng Panginoon ay hindi pa humuhupa. Nakahanda pa rin siyang magparusa sa inyo.

5Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo upang parusahan ang mga kinamumuhian ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.