Isaias 11

Ang Espiritu ng Panginoon ay mananatili sa kanya, at bibigyan siya ng karunungan at pang-unawa, ng kakayahang magpayo at kalakasan, ng kaalaman at takot sa Panginoon.

Isaiah 11:2 (UKJV) And the spirit of the LORD shall rest upon him, the spirit of wisdom and understanding, the spirit of counsel and might, the spirit of knowledge and of the fear of the LORD;

1May tutubong sanga sa tuod ni Jesse; mula sa mga ugat nito ay sisibol ang isang usbong.

2Ang Espiritu ng Panginoon ay mananatili sa kanya, at bibigyan siya ng karunungan at pang-unawa, ng kakayahang magpayo at kalakasan, ng kaalaman at takot sa Panginoon.

3Magiging kagalakan niya ang pagsunod sa Panginoon. Hindi siya mamumuno at hahatol batay lang sa kanyang nakita o narinig sa iba.

4Bibigyan niya ng katarungan ang mga mahihirap at ipagtatanggol ang kanilang mga karapatan. Sa pamamagitan ng kanyang salita, parurusahan niya ang mga tao sa mundo at mamamatay ang masasamang tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.