4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin ninyo siya! Sabihin ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.
5Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.
6Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion. Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Diyos ng Israel na nasa inyong piling.”