Isaias 12

Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.

Isaiah 12:5 (UKJV) Sing unto the LORD; for he has done excellent things: this is known in all the earth.

3Magagalak ka sa kaligtasang iyong mararanasan, tulad ng pag-inom mo ng tubig mula sa mga bukal.

4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin ninyo siya! Sabihin ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.

5Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.

6Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion. Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Diyos ng Israel na nasa inyong piling.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.