Isaias 12

Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin ninyo siya! Sabihin ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.

Isaiah 12:4 (UKJV) And in that day shall all of you say, Praise the LORD, call upon his name, declare his doings among the people, make mention that his name is exalted.

2Kayo, O Diyos, ang aking kaligtasan. Akoʼy magtitiwala at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang sa akiʼy nagbibigay ng lakas at kayo rin ang aking awitin. Tunay ngang kayo ang nagligtas sa akin.”

3Magagalak ka sa kaligtasang iyong mararanasan, tulad ng pag-inom mo ng tubig mula sa mga bukal.

4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin ninyo siya! Sabihin ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.

5Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.

6Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion. Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Diyos ng Israel na nasa inyong piling.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.