1Sa araw na iyon, aawit kayo: “Panginoon, pinupuri ko kayo. Kahit na kayoʼy nagalit sa akin, lumipas na ito, at ngayon akoʼy inaaliw ninyo.
2Kayo, O Diyos, ang aking kaligtasan. Akoʼy magtitiwala at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang sa akiʼy nagbibigay ng lakas at kayo rin ang aking awitin. Tunay ngang kayo ang nagligtas sa akin.”
3Magagalak ka sa kaligtasang iyong mararanasan, tulad ng pag-inom mo ng tubig mula sa mga bukal.
4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin ninyo siya! Sabihin ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.
5Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.