Isaias 13

Ang kanilang mga sanggol ay luluray-lurayin sa kanilang harapan. Ang kanilang mga tahanaʼy sasamsaman ng mga ari-arian at ang kanilang mga asawaʼy gagahasain.

Isaiah 13:16 (UKJV) Their children also shall be dashed to pieces before their eyes; their houses shall be spoiled, and their wives ravished.

14Ang mga dayuhan sa Babilonia ay tatakas at babalik sa sarili nilang bayan na parang mga usang hinahabol. Silaʼy parang mga tupang walang nagbabantay na babalik sa kani-kanilang bayan, tatakas patungo sa kani-kanilang mga lupain.

15Ang bawat mahuhuli ay sasaksakin, at ang ibaʼy mamatay sa pamamagitan ng espada.

16Ang kanilang mga sanggol ay luluray-lurayin sa kanilang harapan. Ang kanilang mga tahanaʼy sasamsaman ng mga ari-arian at ang kanilang mga asawaʼy gagahasain.

17Makinig kayo! Ipapalusob ko ang Babilonia sa mga taga-Media na sa pilak ay walang pakialam at sa ginto ay walang pagpapahalaga.

18Papatayin nila ang mga kabataang lalaki sa pamamagitan ng pana. Hindi sila maaawa sa mga sanggol pati na sa mga bata.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.