Isaias 13

Makinig kayo! Ipapalusob ko ang Babilonia sa mga taga-Media na sa pilak ay walang pakialam at sa ginto ay walang pagpapahalaga.

Isaiah 13:17 (UKJV) Behold, I will stir up the Medes against them, which shall not regard silver; and as for gold, they shall not delight in it.

15Ang bawat mahuhuli ay sasaksakin, at ang ibaʼy mamatay sa pamamagitan ng espada.

16Ang kanilang mga sanggol ay luluray-lurayin sa kanilang harapan. Ang kanilang mga tahanaʼy sasamsaman ng mga ari-arian at ang kanilang mga asawaʼy gagahasain.

17Makinig kayo! Ipapalusob ko ang Babilonia sa mga taga-Media na sa pilak ay walang pakialam at sa ginto ay walang pagpapahalaga.

18Papatayin nila ang mga kabataang lalaki sa pamamagitan ng pana. Hindi sila maaawa sa mga sanggol pati na sa mga bata.

19Ang Babilonia, kahariang pinakamaganda sa lahat ng kaharian, itoʼy ipinagmamalaki ng kanyang mga mamamayan. Ngunit wawasakin ko ito katulad ng Sodoma at Gomora.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.