Isaias 13

Ang Babilonia, kahariang pinakamaganda sa lahat ng kaharian, itoʼy ipinagmamalaki ng kanyang mga mamamayan. Ngunit wawasakin ko ito katulad ng Sodoma at Gomora.

Isaiah 13:19 (UKJV) And Babylon, the glory of kingdoms, the beauty of the Chaldees' excellency, shall be as when God overthrew Sodom and Gomorrah.

17Makinig kayo! Ipapalusob ko ang Babilonia sa mga taga-Media na sa pilak ay walang pakialam at sa ginto ay walang pagpapahalaga.

18Papatayin nila ang mga kabataang lalaki sa pamamagitan ng pana. Hindi sila maaawa sa mga sanggol pati na sa mga bata.

19Ang Babilonia, kahariang pinakamaganda sa lahat ng kaharian, itoʼy ipinagmamalaki ng kanyang mga mamamayan. Ngunit wawasakin ko ito katulad ng Sodoma at Gomora.

20At hindi na ito titirhan ninuman magpakailanman. Walang Arabong makapagtatayo roon ng kanyang tolda. At wala ring pastol na mag-aalaga roon ng kanyang mga tupa.

21Magiging tirahan na lamang ito ng mga hayop sa gubat. Titirhan ng mga kuwago ang kanilang mga bahay at ng iba pang mababangis na hayop, at lulukso-lukso roon ang mga kambing na maiilap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.