Isaias 13

At hindi na ito titirhan ninuman magpakailanman. Walang Arabong makapagtatayo roon ng kanyang tolda. At wala ring pastol na mag-aalaga roon ng kanyang mga tupa.

Isaiah 13:20 (UKJV) It shall never be inhabited, neither shall it be dwelt in from generation to generation: neither shall the Arabian pitch tent there; neither shall the shepherds make their fold there.

18Papatayin nila ang mga kabataang lalaki sa pamamagitan ng pana. Hindi sila maaawa sa mga sanggol pati na sa mga bata.

19Ang Babilonia, kahariang pinakamaganda sa lahat ng kaharian, itoʼy ipinagmamalaki ng kanyang mga mamamayan. Ngunit wawasakin ko ito katulad ng Sodoma at Gomora.

20At hindi na ito titirhan ninuman magpakailanman. Walang Arabong makapagtatayo roon ng kanyang tolda. At wala ring pastol na mag-aalaga roon ng kanyang mga tupa.

21Magiging tirahan na lamang ito ng mga hayop sa gubat. Titirhan ng mga kuwago ang kanilang mga bahay at ng iba pang mababangis na hayop, at lulukso-lukso roon ang mga kambing na maiilap.

22Aalulong sa kanilang mga tore at mga palasyo ang mga asong-gubat. Nalalapit na ang katapusan ng Babilonia; hindi na ito magtatagal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.