Isaias 13

Aalulong sa kanilang mga tore at mga palasyo ang mga asong-gubat. Nalalapit na ang katapusan ng Babilonia; hindi na ito magtatagal.

Isaiah 13:22 (UKJV) And the wild beasts of the islands shall cry in their desolate houses, and dragons in their pleasant palaces: and her time is near to come, and her days shall not be prolonged.

20At hindi na ito titirhan ninuman magpakailanman. Walang Arabong makapagtatayo roon ng kanyang tolda. At wala ring pastol na mag-aalaga roon ng kanyang mga tupa.

21Magiging tirahan na lamang ito ng mga hayop sa gubat. Titirhan ng mga kuwago ang kanilang mga bahay at ng iba pang mababangis na hayop, at lulukso-lukso roon ang mga kambing na maiilap.

22Aalulong sa kanilang mga tore at mga palasyo ang mga asong-gubat. Nalalapit na ang katapusan ng Babilonia; hindi na ito magtatagal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.