Isaias 14

Lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa lupain ng Israel. Dudurugin ko sila sa aking mga bundok. Hindi na nila maaaring alipinin ang aking mga mamamayan.”

Isaiah 14:25 (UKJV) That I will break the Assyrian in my land, and upon my mountains tread him under foot: then shall his yoke depart from off them, and his burden depart from off their shoulders.

23Gagawin ko itong tirahan ng mga kuwago, at ilang na may maraming latian, at gigibain ko na parang winalisan. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.

24Nanumpa ang Panginoon ng mga Hukbo at sinabi, “Mangyayari ang plano ko; matutupad ang desisyon ko.

25Lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa lupain ng Israel. Dudurugin ko sila sa aking mga bundok. Hindi na nila maaaring alipinin ang aking mga mamamayan.”

26Ito ang binabalak kong gawin sa buong mundo. Ganito ang parusang ipapakita ko sa lahat ng bansa.

27Sino ang makakapagbago ng plano ng Panginoon ng mga Hukbo? Sino ang makakapigil sa kanyang pagpaparusa?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.