Isaias 14

Gagawin ko itong tirahan ng mga kuwago, at ilang na may maraming latian, at gigibain ko na parang winalisan. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.

Isaiah 14:23 (UKJV) I will also make it a possession for the bittern, and pools of water: and I will sweep it with the besom of destruction, says the LORD of hosts.

21Ihanda na ang lugar kung saan papatayin ang kanyang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno. Hindi na sila dapat magmamana ng mga lupain ni magtayo ng mga lungsod sa buong mundo.

22Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Lulusubin ko at wawasakin ang Babilonia. Wala akong ititirang buhay sa lugar na ito. Walang matitira sa kanilang mga lahi.”

23Gagawin ko itong tirahan ng mga kuwago, at ilang na may maraming latian, at gigibain ko na parang winalisan. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.

24Nanumpa ang Panginoon ng mga Hukbo at sinabi, “Mangyayari ang plano ko; matutupad ang desisyon ko.

25Lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa lupain ng Israel. Dudurugin ko sila sa aking mga bundok. Hindi na nila maaaring alipinin ang aking mga mamamayan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.