Isaias 14

Ihanda na ang lugar kung saan papatayin ang kanyang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno. Hindi na sila dapat magmamana ng mga lupain ni magtayo ng mga lungsod sa buong mundo.

Isaiah 14:21 (UKJV) Prepare slaughter for his children for the iniquity of their fathers; that they do not rise, nor possess the land, nor fill the face of the world with cities.

19Ngunit ikaw naman ay itatapon na parang sanga na walang silbi. Tatambakan ka ng mga bangkay ng mga sundalong namatay sa digmaan. Ihuhulog ka sa hukay kasama nila at ikaʼy tatambakan ng mga bato. Matutulad ka sa bangkay na tinatapak-tapakan ng mga tao.

20Hindi ka ililibing na katulad ng ibang hari, dahil winasak mo ang iyong sariling bansa at pinatay ang iyong mga mamamayan. Walang matitira sa iyong masamang lahi at hindi na babanggitin pang muli.

21Ihanda na ang lugar kung saan papatayin ang kanyang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno. Hindi na sila dapat magmamana ng mga lupain ni magtayo ng mga lungsod sa buong mundo.

22Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Lulusubin ko at wawasakin ang Babilonia. Wala akong ititirang buhay sa lugar na ito. Walang matitira sa kanilang mga lahi.”

23Gagawin ko itong tirahan ng mga kuwago, at ilang na may maraming latian, at gigibain ko na parang winalisan. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.