Isaias 15

Umahon ang mga taga-Dibon mula sa kanilang templo at sa kanilang mga sambahan sa matataas na lugar para umiyak. Iniiyakan ng mga taga-Moab ang Nebo at Medeba. Ang bawat isa sa kanilaʼy nagpakalbo at nagpaahit ng mga balbas.

Isaiah 15:2 (UKJV) He is gone up to Bajith, and to Dibon, the high places, to weep: Moab shall wail over Nebo, and over Medeba: on all their heads shall be baldness, and every beard cut off.

1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Moab: Sa loob lamang ng isang gabi ay nawasak ang lungsod ng Ar at Kir na sakop ng Moab.

2Umahon ang mga taga-Dibon mula sa kanilang templo at sa kanilang mga sambahan sa matataas na lugar para umiyak. Iniiyakan ng mga taga-Moab ang Nebo at Medeba. Ang bawat isa sa kanilaʼy nagpakalbo at nagpaahit ng mga balbas.

3Nakadamit sila ng sako habang lumalakad sa lansangan. Humahagulgol sila sa tuktok ng bubong at sa mga plasa.

4Umiiyak ang mga taga-Hesbon at ang mga taga-Eleale at naririnig ito hanggang sa Jahaz. Kaya ang mga sundalo ng Moab ay sumisigaw nang malakas at nanghihina sa takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.