Isaias 15

Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Moab: Sa loob lamang ng isang gabi ay nawasak ang lungsod ng Ar at Kir na sakop ng Moab.

Isaiah 15:1 (UKJV) The burden of Moab. Because in the night Ar of Moab is laid waste, and brought to silence; because in the night Kir of Moab is laid waste, and brought to silence;

1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Moab: Sa loob lamang ng isang gabi ay nawasak ang lungsod ng Ar at Kir na sakop ng Moab.

2Umahon ang mga taga-Dibon mula sa kanilang templo at sa kanilang mga sambahan sa matataas na lugar para umiyak. Iniiyakan ng mga taga-Moab ang Nebo at Medeba. Ang bawat isa sa kanilaʼy nagpakalbo at nagpaahit ng mga balbas.

3Nakadamit sila ng sako habang lumalakad sa lansangan. Humahagulgol sila sa tuktok ng bubong at sa mga plasa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.