Isaias 17

Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Damasco: “Makinig kayo! Ang Damasco ay hindi na magiging lungsod dahil magigiba ito.

Isaiah 17:1 (UKJV) The burden of Damascus. Behold, Damascus is taken away from being a city, and it shall be a ruinous heap.

1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Damasco: “Makinig kayo! Ang Damasco ay hindi na magiging lungsod dahil magigiba ito.

2Wala nang titira sa lungsod ng Aroer. Magiging pastulan na lamang ito ng mga kawan ng hayop, at walang gagambala sa kanila roon.

3Mawawasak ang mga tanggulang lungsod ng Israel, at mawawala ang kapangyarihan ng Damasco. Ang sasapitin ng mga matitira sa Aram ay katulad ng sinapit ng mga taga-Israel. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.