Isaias 17

Mawawasak ang mga tanggulang lungsod ng Israel, at mawawala ang kapangyarihan ng Damasco. Ang sasapitin ng mga matitira sa Aram ay katulad ng sinapit ng mga taga-Israel. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.

Isaiah 17:3 (UKJV) The fortress also shall cease from Ephraim, and the kingdom from Damascus, and the remnant of Syria: they shall be as the glory of the children of Israel, says the LORD of hosts.

1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Damasco: “Makinig kayo! Ang Damasco ay hindi na magiging lungsod dahil magigiba ito.

2Wala nang titira sa lungsod ng Aroer. Magiging pastulan na lamang ito ng mga kawan ng hayop, at walang gagambala sa kanila roon.

3Mawawasak ang mga tanggulang lungsod ng Israel, at mawawala ang kapangyarihan ng Damasco. Ang sasapitin ng mga matitira sa Aram ay katulad ng sinapit ng mga taga-Israel. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.

4“Pagdating ng araw na iyon, mawawala na ang kapangyarihan ng Israel, at ang kanyang kayamanan ay mapapalitan ng kahirapan.

5Matutulad siya sa taniman ng mga butil na ginapas na ng mga nag-aani, tulad ng taniman sa Lambak ng Refaim pagkatapos ng anihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.