Isaias 17

Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila mismo ang gumawa. Hindi na rin nila papansinin ang mga posteng imahen ni Ashera, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso na gawa rin lang ng kanilang mga kamay.

Isaiah 17:8 (UKJV) And he shall not look to the altars, the work of his hands, neither shall respect that which his fingers have made, either the groves, or the images.

6Iilan lamang ang matitira sa kanyang mga mamamayan. Matutulad siya sa puno ng olibo pagkatapos pitasin ang mga bunga nito. Maaaring dalawa o tatlo lamang ang bungang matitira sa pinakamataas na mga sanga, at apat o limang bunga sa ibang mga sanga. Ako, ang Panginoong Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.”

7Sa araw na iyon, lalapit na ang mga tao sa kanilang Manlilikha, at titingin sa Banal na Diyos ng Israel.

8Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila mismo ang gumawa. Hindi na rin nila papansinin ang mga posteng imahen ni Ashera, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso na gawa rin lang ng kanilang mga kamay.

9Sa araw na iyon, ang matitibay nilang lungsod ay magiging katulad ng mga napabayaang lugar ng mga Amoreo at Heveo. Ang mga lugar na itoʼy nilayasan ng mga nakatira rito dahil sa pagdating ng mga Israelita. At ang buong lupain ay iiwang nakatiwangwang.

10Kinalimutan ninyo ang Diyos na inyong Tagapagligtas at hindi inalala ang inyong Batong kanlungan. Kaya kahit na magtanim kayo ng magagandang klase ng tanim, katulad ng mga inangkat na ubas,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.