Isaias 17

Kinalimutan ninyo ang Diyos na inyong Tagapagligtas at hindi inalala ang inyong Batong kanlungan. Kaya kahit na magtanim kayo ng magagandang klase ng tanim, katulad ng mga inangkat na ubas,

Isaiah 17:10 (UKJV) Because you have forgotten the God of your salvation, and have not been mindful of the rock of your strength, therefore shall you plant pleasant plants, and shall set it with strange slips:

8Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila mismo ang gumawa. Hindi na rin nila papansinin ang mga posteng imahen ni Ashera, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso na gawa rin lang ng kanilang mga kamay.

9Sa araw na iyon, ang matitibay nilang lungsod ay magiging katulad ng mga napabayaang lugar ng mga Amoreo at Heveo. Ang mga lugar na itoʼy nilayasan ng mga nakatira rito dahil sa pagdating ng mga Israelita. At ang buong lupain ay iiwang nakatiwangwang.

10Kinalimutan ninyo ang Diyos na inyong Tagapagligtas at hindi inalala ang inyong Batong kanlungan. Kaya kahit na magtanim kayo ng magagandang klase ng tanim, katulad ng mga inangkat na ubas,

11at kahit na tumubo ang mga ito at mamulaklak sa araw din na inyong itinanim, wala kayong makukuhang bunga. Ang aanihin ninyoʼy sakit at paghihirap na walang lunas.

12Tingnan ninyo! Nagkakagulo ang napakaraming tao mula sa mga bansa. Ang ingay nila ay parang ugong ng malalaking alon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.