Isaias 17

at kahit na tumubo ang mga ito at mamulaklak sa araw din na inyong itinanim, wala kayong makukuhang bunga. Ang aanihin ninyoʼy sakit at paghihirap na walang lunas.

Isaiah 17:11 (UKJV) In the day shall you make your plant to grow, and in the morning shall you make your seed to flourish: but the harvest shall be a heap in the day of grief and of desperate sorrow.

9Sa araw na iyon, ang matitibay nilang lungsod ay magiging katulad ng mga napabayaang lugar ng mga Amoreo at Heveo. Ang mga lugar na itoʼy nilayasan ng mga nakatira rito dahil sa pagdating ng mga Israelita. At ang buong lupain ay iiwang nakatiwangwang.

10Kinalimutan ninyo ang Diyos na inyong Tagapagligtas at hindi inalala ang inyong Batong kanlungan. Kaya kahit na magtanim kayo ng magagandang klase ng tanim, katulad ng mga inangkat na ubas,

11at kahit na tumubo ang mga ito at mamulaklak sa araw din na inyong itinanim, wala kayong makukuhang bunga. Ang aanihin ninyoʼy sakit at paghihirap na walang lunas.

12Tingnan ninyo! Nagkakagulo ang napakaraming tao mula sa mga bansa. Ang ingay nila ay parang ugong ng malalaking alon.

13Bagamaʼt katulad sila ng ugong ng malalaking alon, patatahimikin sila ng Diyos at silaʼy tatakas palayo. Silaʼy tatakas tulad ng ipa na ikinalat ng hangin, tulad ng dayaming tinatangay ng ipuipo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.