12Faraon, nasaan na ngayon ang iyong matatalinong tao? Kung talagang matatalino sila, itanong mo kung ano ang plano ng Panginoon ng mga Hukbo para sa Ehipto.
13Talagang mga mangmang ang mga pinuno ng Zoan at Memfis. Madali silang malinlang. Sila na mga pinuno ng mamamayan, ang nagligaw sa landas ng Ehipto.
14Ipinadala sa kanila ng Panginoon ang espiritu ng pagkahilo, at inililigaw nila ang mga Ehipsiyo. Kaya pasuray-suray sila sa lansangan katulad ng lasenggong ang suka ay iniikutan.
15Walang sinuman sa buong Ehipto, mayaman man o mahirap, marangal man o aba, ang makakatulong sa kanyang bansa.
16Sa mga araw na iyon, ang mga taga-Ehipto ay magiging mahina gaya ng mga babae. Manginginig sila sa takot sa parusang ihahatol sa kanila ng Panginoon ng mga Hukbo.