Isaias 19

Faraon, nasaan na ngayon ang iyong matatalinong tao? Kung talagang matatalino sila, itanong mo kung ano ang plano ng Panginoon ng mga Hukbo para sa Ehipto.

Isaiah 19:12 (UKJV) Where are they? where are your wise men? and let them tell you now, and let them know what the LORD of hosts has purposed upon Egypt.

10Manlulumo ang mga manghahabi at ang iba pang mga manggagawa.

11Hangal ang mga pinuno ng Zoan! Kinikilala silang mga pinakamatalinong tagapayo ng Faraon, ngunit ang kanilang mga payo ay walang kabuluhan. Paano nila nasabi sa Faraon, “Lahi kami ng matatalino at mga tagasunod ng mga hari noong unang panahon.”

12Faraon, nasaan na ngayon ang iyong matatalinong tao? Kung talagang matatalino sila, itanong mo kung ano ang plano ng Panginoon ng mga Hukbo para sa Ehipto.

13Talagang mga mangmang ang mga pinuno ng Zoan at Memfis. Madali silang malinlang. Sila na mga pinuno ng mamamayan, ang nagligaw sa landas ng Ehipto.

14Ipinadala sa kanila ng Panginoon ang espiritu ng pagkahilo, at inililigaw nila ang mga Ehipsiyo. Kaya pasuray-suray sila sa lansangan katulad ng lasenggong ang suka ay iniikutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.