Isaias 19

Hangal ang mga pinuno ng Zoan! Kinikilala silang mga pinakamatalinong tagapayo ng Faraon, ngunit ang kanilang mga payo ay walang kabuluhan. Paano nila nasabi sa Faraon, “Lahi kami ng matatalino at mga tagasunod ng mga hari noong unang panahon.”

Isaiah 19:11 (UKJV) Surely the princes of Zoan are fools, the counsel of the wise counsellors of Pharaoh is become brutish: how say all of you unto Pharaoh, I am the son of the wise, the son of ancient kings?

9Malulungkot ang mga gumagawa ng damit mula sa halamang ginagawang pinong lino, ang mga humahabi ng pinong lino ay mawawalan ng pag-asa.

10Manlulumo ang mga manghahabi at ang iba pang mga manggagawa.

11Hangal ang mga pinuno ng Zoan! Kinikilala silang mga pinakamatalinong tagapayo ng Faraon, ngunit ang kanilang mga payo ay walang kabuluhan. Paano nila nasabi sa Faraon, “Lahi kami ng matatalino at mga tagasunod ng mga hari noong unang panahon.”

12Faraon, nasaan na ngayon ang iyong matatalinong tao? Kung talagang matatalino sila, itanong mo kung ano ang plano ng Panginoon ng mga Hukbo para sa Ehipto.

13Talagang mga mangmang ang mga pinuno ng Zoan at Memfis. Madali silang malinlang. Sila na mga pinuno ng mamamayan, ang nagligaw sa landas ng Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.