Isaias 19

Pagpapalain sila ng Panginoon ng mga Hukbo at sasabihin, “Pinagpapala ko ang mga taga-Ehipto na aking mga mamamayan, ang mga taga-Asiria na aking nilalang, at ang mga taga-Israel na pagmamay-ari ko.”

Isaiah 19:25 (UKJV) Whom the LORD of hosts shall bless, saying, Blessed be Egypt my people, and Assyria the work of my hands, and Israel mine inheritance.

23Sa araw na iyon, magkakaroon ng malapad na daan mula sa Ehipto papuntang Asiria. Ang mga taga-Ehipto at mga taga-Asiria ay magpaparooʼt parito sa Ehipto at sa Asiria, at magkasama silang sasamba.

24Sa araw na iyon, magsasama ang Israel, Ehipto, at ang Asiria. At ang tatlong bansang ito ay magiging pagpapala sa buong mundo.

25Pagpapalain sila ng Panginoon ng mga Hukbo at sasabihin, “Pinagpapala ko ang mga taga-Ehipto na aking mga mamamayan, ang mga taga-Asiria na aking nilalang, at ang mga taga-Israel na pagmamay-ari ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.