Isaias 20

Ayon sa utos ni Haring Sargon ng Asiria, sinalakay ng pinakamataas na kumander ng mga sundalo ng Asiria ang Asdod, at naagaw nila ito.

Isaiah 20:1 (UKJV) In the year that Tartan came unto Ashdod, (when Sargon the king of Assyria sent him,) and fought against Ashdod, and took it;

1Ayon sa utos ni Haring Sargon ng Asiria, sinalakay ng pinakamataas na kumander ng mga sundalo ng Asiria ang Asdod, at naagaw nila ito.

2Bago ito nangyari, sinabi ng Panginoon kay Isaias na anak ni Amoz, “Hubarin mo ang iyong damit na panluksa at tanggalin mo ang iyong sandalyas.” Ginawa ito ni Isaias, at palakad-lakad siyang nakahubad at nakayapak.

3Sinabi ng Panginoon, “Ang lingkod kong si Isaias ay palakad-lakad nang hubad at nakayapak sa loob ng tatlong taon. Itoʼy bilang tanda at babala para sa Ehipto at Etiopia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.