Isaias 19

Ang mga mangingisda ay iiyak at maghihinagpis, lahat ng mga mamimingwit sa Ilog Nilo. Ang mga maghahagis ng lambat ay manghihina.

Isaiah 19:8 (UKJV) The fishers also shall mourn, and all they that cast angle into the brooks shall lament, and they that spread nets upon the waters shall languish.

6Ang mga sapa at mga batis na dinadaluyan nito ay babaho at matutuyo. Malalanta ang mga tambo at mga talahib,

7ang lahat ng tanim sa pampang ng ilog. Matutuyo at titigas ang lupa malapit sa Ilog ng Nilo at mamamatay ang mga halaman dito.

8Ang mga mangingisda ay iiyak at maghihinagpis, lahat ng mga mamimingwit sa Ilog Nilo. Ang mga maghahagis ng lambat ay manghihina.

9Malulungkot ang mga gumagawa ng damit mula sa halamang ginagawang pinong lino, ang mga humahabi ng pinong lino ay mawawalan ng pag-asa.

10Manlulumo ang mga manghahabi at ang iba pang mga manggagawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.