Isaias 2

Tumakas kayo papunta sa mga kuweba at mga hukay upang magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan.

Isaiah 2:10 (UKJV) Enter into the rock, and hide you in the dust, for fear of the LORD, and for the glory of his majesty.

8Marami silang diyos-diyosan, at sinasamba nila ang mga bagay na ito na sila mismo ang gumawa.

9Kaya ang bawat isa sa kanilaʼy ibabagsak, lahat silaʼy mapapahiya. Huwag nʼyo silang patatawarin.

10Tumakas kayo papunta sa mga kuweba at mga hukay upang magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan.

11At ang mga mayayabang ay mapapahiya, ang mga mapagmataas na taoʼy ibababa. Ang itataas sa araw na iyon ay tanging ang Panginoon lamang.

12Sapagkat itinakda ng Panginoon ng mga Hukbo ang araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.