Isaias 2

Sapagkat itinakda ng Panginoon ng mga Hukbo ang araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan.

Isaiah 2:12 (UKJV) For the day of the LORD of hosts shall be upon every one that is proud and lofty, and upon every one that is lifted up; and he shall be brought low:

10Tumakas kayo papunta sa mga kuweba at mga hukay upang magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan.

11At ang mga mayayabang ay mapapahiya, ang mga mapagmataas na taoʼy ibababa. Ang itataas sa araw na iyon ay tanging ang Panginoon lamang.

12Sapagkat itinakda ng Panginoon ng mga Hukbo ang araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan.

13Puputulin niya ang lahat ng matataas na puno ng sedro sa Lebanon at ang lahat ng puno ng ensina sa Bashan.

14Papantayin niya ang lahat ng matataas na bundok at burol,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.